Thursday, May 8, 2008

Strolling

Kung dumating ang araw na ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng iyong lahi, gugustuhin mo pa bang maging Pinoy? Pipiliin mo pa ba ang lahing kayumangging kahit anung pilit mong ilihim gamit ang gluthathione ay lumalabas parin sa tuwing sasapit ang tag-init? Sa
kalagitnaan ng aking paglalakad sa ilalim ng nagngingitngit na tanghali ay biglang sumagi sa aking isip ang mga tanong na may kinalaman sa aking pagka-Pilipino. Sa kabila ng naninigang kong lalamunan ay hindi ko naisip ang uminom imbis ay bigla kong naitanong sa aking sarili, mahal ko ba ang aking bansa? Gusto ko ba ang maging Pilipino?
Di alintana ang hapding dulot ng bawat silahis ng araw na dumadampi sa mala porcelanang kong balat ay bigla siyang napatigil at tila ay pinagnilayan niya ang mga tanong ng biglang bumagabag sa naninigang niyang utak. Waring bumagal ang takbo ng panahon na unti unti kong napakiramdaman ang bawat anggulo at kakarampot na detalye nang aking linalakaran na bigla ko nalang nasabing, “masarap sigurong manirahan sa ibang bansa”. Saan nga ba nanggaling ang mga salitang yun? Marahil dahil sa nadaanan kong kanal na umaalngasaw ang amoy sabayan pa ng tila nagngangalit na sikat ng araw.

Masarap nga yatang manirahan dun.Saan kaya ako pupunta?Ah, Sa London. Gusto kong makita kung nahuhulog nga talaga yung London Bridge tulad nang sinasabi sa kanta. O di kaya ay gusto kong makapunta sa Paris. Gusto kong umakyat sa tuktok ng Eiffel Tower at makita ang kabuuan ng Paris. Kung sweswertihin pa ako sa lotto, pwede rin akong dumiretso sa States. Sa Washington siguro. Wala lang. Trip ko lang pumunta sa tate. Masaya dun, malamig ang klima, maraming mapapasyalan at higit sa lahat malinis dun. Walang red tapes, graft and corruption, nakawan, o kung anu-ano pang anomaliya.

Pero biglang sumagi sa aking isipan angtanong na may bahid ng pag-aalala. Mararanasan ko rin ba doon ang hirap at sayang kahit saan man ay di ko na madarama kundi mula lamang sa mahal kong Pilipinas? Isang baso ng malaming at nagyeyelong coke, at tila ako’y bumalik na sa aking sarili. Ako’y napailing at natawa sa aking sarili. Dala lang yata yun ng uhaw, bakit ko nga ba iiwanan ang aking paraiso? Ang aking tahanan, ang aking ina.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng marating ko ang eskinita malapit sa Gaisano. Bumandera
sa aking harapan ang mga tabloids,“Headline: Nene, pinilahan ng limang tambay”, katabi pa nito nang picture ni Diana Zubiri na nakabikini. Ako’y napangisi at nasabi kong “hanep talaga sa marketing strategy ang mga Pinoy, magsusulat nalang ng dyaryo may bonus pang picture ng sexy aktres. Dumiretso ako sa aking paglalakad sa may terminal malapit sa Mcdo nang biglang sinunggaban ako nang umaalingasaw na kakaibang amoy. Ang naamoy ko pala ay ang amoy nan mga tangige at blue marlin sa banyera. Malapit na pala ako sa palengke. Iba talaga ang simoy nang palengke ng Pilipinas. Hindi tulad sa ibang bansa amoy makabago. Yung tipong, amoy metal, nawawala tuloy yung ambiance na ikaw ay nasa palengke.

Dumiretso pa ako sa aking nilalakaran, nakita ko ang mga basurang nakatambak sa tabi ng pader. Nang lumapit pa ako, nakita ko ang likod nang pader na may naksulat, “Bawal Magtapon ng Basura”. Pinoy na pinoy nga naman ang dating.

Napatigil ako sa aking pag-iisip nang biglang may nagtext sa akin. Pag-tingin ko sa aking celfon ay ayrooon dalawang message.Binasa ko yung isa, at ako’y napaiyak sa kakatawa. Pinadalhan ako nang isang joke nang aking kaibigan, at ito’y hindi basta joke lang, Genuine Jani Jani joke, retro at certified Pinoy. Hindi kumpleto ang araw nang mga Pinoy kung hindi sila nakakatawa. Ngunit napawi ang aking kasiyahan nang tinext ako na pinapauwi na daw ako. Natapos tuloy kaagad ang aking contemplation moment.

Pag-uwi ko nang bahay, natanong ko sa aking ina kung bakit niya ako pinauwi. Ang sagot niya, “wala lang, miss lang kita”. Naks! Hanep sa dramahan. Pumasok ako sa aking kuwarto at humiga. Nag-isip na namang muli. Makakatulog rin kaya ako nang mahimbing kung ako’y nasa ibang bansa?



No comments: