Sa paaralan ating kinalakhan ang nalaman ko ay ang kaming mga kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit lingid sa aking kaalaman na ang kabataan ngayon ay kasambahay na rin pala ng bayan. Ang kasambahay ay ang mas katanggap tanggap na tawag sa katulong o maid. Ito ay labag sa batas at itinuturing ng International Labor Organization na “worst form of child labor.”
Ang kahirapan ay isa rin sa mga dahilan kung bakit ang mga bata ay napipilitan na huminto sa pag-aaral at mamasukan bilang isang kasambahay, dahil ito lamang ang trabaho na mabilis mapasukan kahit ikaw ay elementary graduate lamang. Kultura na nating mga pinoy ang pag-aakala na ang trabaho bilang isang kasambahay ay madali at ligtas dahil ikaw ay nasa loob lamang ng bahay. Lingid sa ating kaalaman, na marami rin ang pwedeng mangyari sa loob ng bahay, lalo na kung ang kasambahay ay isang bata dahil mabilis itong takutin at abusuhin ng kanilang pinagtratrabahuan.
Ang mga batang kasambahay ay nagtatrabaho ng humgit kumulang labing
May mga pagkakataon na inaabuso ng mga pinagtatrabahuan ng mga batang kasambahay, tulad ng pananakot na hindi ibigay ang kanilang sahod kapag hindi sundin ang kanilang gusto. Madalas din ang pangmomolestya at ang pangbabastos sa mga kasambahay.
Nakasaad sa Republic Act 9231, Section 12-D ang mga probisyon at alituntunin ukol sa pagkitil ng worst forms of child labor ngunit sa kabila nito ay naisasawalang bahala lamang ito. Ito ay hindi isang mababaw na problema lamang, dapat itong pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan at ang iba pang organisasyong responsable rito. Hindi natin dapat hayaan na unti-unting wasakin ang kinabukasan ng mga munting anghel na siyang tutulong sa pag bangon ng ating bansa. Dapat natin supilin ang mga halimaw na inaapak- apakan ang ating mga munting bayani ng ating bansa. Dapat ay lagyan ng ngipin ang ating mga batas.
Ang Republic Act 9231 ay dapat mas patibayin pa. Presidente, mga tao sa kongreso, galaw galaw naman tayo diyan!

No comments:
Post a Comment